Letter from Simplicio to his son Vicente

Bauan, 26 de Julio 1907

            A mi hijo Vicente Orosa

            Querido Vicente: Ngayong umaga naming tinangap and sulat mong may fecha 17 ng Juniong natalicdan, at daquila and aming ipagpapasalamat sa Panginoong Dios na bukod sa ikaw ay walang sakunang anoman, ay naka-examen ng malualhati dito sa cursong nag daan; at tinangap naming ang report o palastasan napahatid sa akin ng iyong maestro principal.

              Bagamat sinasabi mo sa iyong sulat na ikaw ay lilipat sa Illinois, ay sinamantala ko rin itong pagsagot at kung sakaling hindi ka nadatnan diyan sa Cincinnati ng sulat kong ito, ay haringang pagkalinagan ng iyong casera na maipadala sa iyong kinalalagayan.

            Kung may papadala ka ng anoman at mabigat bigat ay iyong ipa-certificado na upang huag lumagay sa panganib sapagkat kung certificado ay hindi malilipol at mas dali ang pag habol sapagkat may recibo nanumerado pa na librado ng officinang tumangap.

            Ako ay uala ng maipaalaala sa iyo tungkol sa iyong pagaral, kundi: huwag mong babaguhin and dating pagsisikap at sasamantalahanin mong lagi ang panahon at huwag sayang pararaanin ng ualang anomang magiging kahulugan. Aalintanahin mo ang lahat ng hirap at pagmalaki  daw ang hirap ay malaki rin ginhawa ang dapat intayan,  at paglaki ng puhunan at malaki rin, na mang pakinabang ang dapat asahan; kaya ang buong pag papakabait at papacababa ng loob ay siya mong hahangarin at gagawin. Yilagan mo mina at casuclaman ang mga mapang halinang pang alis loob na makakasira ng iyong pagaaral, hayaan niyo kung macatapos kang malualhati ng iyong mahalagang tungkol, ay haringang ipagka loob din sa ating Maykapal ang ating ninanasa, ay hindi sangilan ang mga katusan at dima toto ang kailangang nag aksaya man ng kaunting panahon sa ikakikita ng kaligayahan, lalo kung uala ng dapat alalahanin.

            Ang iyong ina ay may ipinagawang anim na cervilletang pina bordado na maipag kaloob mo sa iyong mga pinagkaka utangan ng loob at kaya yaan ang ipinagawa, ay siya daw gusto ng mga Americano, ay hindi muna ipadala ngayon diyan sapagkat naalaman niya na ikaw ay lilipat ng pagaralan, ay baka daw hindi dumating sa iyo, anopat segurong sa isa naming pagsulat sa iyo kung alam naming ang iyong linipatan o kinalalagyan.

            Nagkakamusta kami sa iyo toloy tangapin ang iguinguad na bendicion nitong iyong mga magulang, at kami ay magaling naman dine sa awa ng Panginoong Dios at ualang ano mang kasakunaan haringan sa boong panahon ay ikaw ay gayon din naman.

                                                                                               Tu padre
                                                                                                   Simplicio

P.D.  Ang iyong ina, ay makakpag barraca nangayon, at siya ring maglalako sa Batangan sa araw ng Jueves, silay halili ng iyong Ate Piciang.


N.B. This letter was originally transcribed by my brother Augusto about twelve years ago when he and cousin Naring found some old letters that were in the possession of Naring’s father Tio Paito, who had just passed away. The writing is quite different, for example the letter c is used where we would be using k today. I have edited the letter to change some words to incorporate some of the more contemporary Tagalog words and spelling, but without detracting from the heart and formality of the letter. For example he spelled icao instead of ikaw; I spelled out Panginoong Dios which he had written as P.Dios. There were quite a few words I couldn’t completely understand although the meaning is obvious from the context. I asked for help from my sister Charito and she in turn from one of our Taal cousins, Milagros Orosa Aliling. Milagros said the words are old Batangas-Tagalog. Here are a few words for the Tagalog challenged:

Natalikdan – nakaraan
Sacuna -- accident
Malualhati -- without difficulty, successful; also used for "Glory to God." (Lualhati sa Diyos).
Malilipol -- mawawala, to be wiped out.
Papacababa --  humility, to humble one's self.
Casuclaman -- abhor
Sangilan -- will not take time
Barraca -- palengke, market

Got it??? Me, I need a dictionary!
Mario E. Orosa